MAGANDA PA ANG DAIGDIG ni LAZARO V. FRANCISCO
Pagkilala sa may-akda
Si Lazaro Francisco (febrero 22, 1898- Hunyo 17, 1980) ay pang- apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angeles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ay itinuring na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda pa ang daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang daluyong. Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway.
Si Lazaro Francisco o ‘’Saro’’ ay isa sa apat na napiling parangalan ng 2009 Gawad Pambansang Alagad ng Sining (Panitikan). Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Iginawad sa kanya ang mga karangalang ‘’Patnubay ng Lahi’’ ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang ‘’Republic Cultural Heritage Award’’ sa Panitikan.
TUNGKOL SA AKDA
Ang Maganda Pa Ang Daigdig ay sinulat ni Lazaro Francisco noong 1955 at lumabas ito sa Liwayway Magazine bilang isang serye. Ito ay na publish bilang libro noong 1982. Usapin sa repormang agraryo at panunulisan ang nobelang ito, at tumatanaw sa pag-asa sa kabila ng kabulukan at karimlan ng paligid. Tungkol ito sa problema at mga isyung mula sa agrikultura sa ating bansa at epekto sa buhay ng isang tao na si Lino Rivera.
MGA TAUHAN:
LINO RIVERA - Siya ang ay mabait na tao na tumulong sa mga may kailangan. Pinuno siya ng kilusan, subalit nung inalok siya ni Kumander Hantik na sumama sa kanyang samahan, siya ay tumanggi. Siya ay may halagang 10,000 pesos sa paghuli, patay man o buhay.
ERNESTO- Anak siya ni Lino Rivera. Sa kurso ng storya, si Ernesto ay 11 na taong gulang. Isa rin siyang matalino na bata at siya ay nasa ikaapat na baitang na. Inaalagaan siya ni Bb. Sanchez. Minsan ay sinabihan siya ng isang bata na anak siya ng tulisan.
Bb.LORETO SANCHEZ- Siya ang punong guro sa paaralang bayan ng pinyahan. Siya rin ang taga payo ng samahan ng mga magulang at guro.
KAPITAN CARLOS RODA- Ang mangingibig ni Bb. Sanchez. Guwapo siya, mabait at may magandang kinabukasan. Mataas ang posisyon niya sa hukbo ng bansa. Nakapag aral din siya sa mga kilalang paaralan. Sa banda gitna ng kwento, kinuhanan siya ng orasan at rebolber na ibinalik ni Lino.
KUMANDER HANTIK- Ang nagnakaw ng rebolber at orasan ni kapitan Roda. Kumander siya ng Huk. Iyon ay isang samahan na laban sa pamahalaan.
PADRE AMANDO ECHEVARIA- Ang tiyo ni Bb. Sanchez. Kura siya ng pinyahan at siya ay 57 na taong gulang.
BUOD
Nagsimula ang storya sa kiyapo kung saan nahablot ang bag ni Bb. Sanchez, Nabawi naman agad ang bag ng isang taong di kilala. Binugbog pa niya ang mga magnanakaw. Nahuli ang mga suspek at nalaman ni Bb. Sanchez na ang pangalan ng tumulong sa kanya ay Lino.
Ang may bahay ni Lino ay ginahasa ng mga sundalong hapon. Sa pag uwi ni Bb. Sanchez sa bayan ng pinyahan, nalaman niyang nakikipirmi si Lino kasama ang anak niyang si Ernesto.
Tinulungan ni Bb. Sanchez at ng amahin niyan si Pari Amando na makakuha ng trabaho si Lino. Subalit dinakip si Lino at napagbintangan siyang pumatay. Dinalaw siya ni Padre Amando sa Maynila para malaman ang kaso. Kwinento ni Lino ang nangyari sa kanya, kaso ang problema ay walang saksi, Pangalawang beses na itong nakulong dahil sa walang saksi.
Habang wala si Lino, inalagaan muna ni Bb. Sanchez si Ernesto. Noong una ay hindi kumakain at nakakatulog si Ernesto. Nag-aalala na si Bb. Sanchez at ang ina niya. Sinubukan din ni Ernestina na pasiyahin si Ernesto ngunit walang nangyayari. Binilhan na siya ng damit at lahat.
Dumalaw si Padre Amando at pinag usapan nil ni Bb. Sanchez ang nangyari kay Lino. Nang tanungin ng pari kung ano ang gusto nung bata, ang sinabi niya ay ang kanyang ama. Nangako ang pari na tutulungan niya si Lino.
Pagkatapos ay dumating ang labandera ni Bb. Sanchez, napag usapan ng mga kapitbahay nila na tutulungan nila si Bb. Sanchez. Dumaan din si Estanislao Villas at sinabi na humahanap na sila ng abogado para kay Lino.
Bago umalis, nangako ang pari na pupuntahan niya si Lino at aalamin ang kanyang kalagayan at ang katotohanan.
Nabalitaan ngayon na si Lino at ang mga kasamahan nya ay humuhuli ng mga huk. Ang mga huk ay mga manggagahasa at magnanakaw. Noong nagkita si kumander hantik at si Lino sa isang kweba, inanyayahan niya ito na sumali sa kanilang samahan. Tumanggi si lino. Bilang ganti, ikakalat raw ni Kumander Hantik na si lino ang nagsisimula ng gulo sa mga lalawigan.
Habang nangumpisal ang isang rantsero, nalaman ni Padre Amando ang kinaroroonan ni Lino. Sinabi nyang tumitigil nang tumakas at binalitang alam na wala siyang kasalanan sa kaso. Tumigil nga si Lino at sa dulo, nalaman niyang iniibig siya ni Bb. Sanchez.